dzme1530.ph

Pribadong sektor, hinimok mamuhunan sa turismo sa bansa

Buo ang paniniwala ni Sen. Juan Miguel Zubiri na malaki ang maitutulong ng pribadong sektor sa pagpapalago ng turismo ng bansa.

Sinabi ni Zubiri na sa pamamagitan ng pamumuhunan ng pribadong sektor sa larangan ng turismo ay magiging competitive ang Pilipinas sa Southeast Asia.

Kasama anya sa dapat paglagakan ng investment ay ang mga imprastraktura at public services para mas maraming dayuhang turista ang maakit na magtungo sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs, lumitaw na may matinding epekto sa turismo ang kakulangan ng mga infrastructure, palaging brownout at kakulangan ng suplay ng tubig.

Iginiit ni Zubiri na mas magaganda ang mga beach at tanawin sa Pilipinas kumpara sa ating mga kapitbahay sa Southeast Asia.

Ngunit talo nila tayo sa mga Airport, power supply, public transport at internet connectivity.

Noong 2023, pinangunahan ng Thailand ang may pinakamaraming dayuhang turista na umabot sa 28 million, sumunod ang Malaysia, 20 million; Singapore, 13.6 million; Vietnam, 12.6 million; Indonesia, 11.7 million; at Cambodia, 5.5 million.

Habang ang Pilipinas ay 5.4 million foreign visitors lamang. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author