dzme1530.ph

Presyo ng sili umabot sa ₱800/kilo; DA nagbabala sa limitadong suplay

Loading

Umabot na sa ₱800 kada kilo ang presyo ng siling labuyo sa ilang pamilihan sa Metro Manila ngayong Setyembre, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Mas mataas ito kumpara sa ₱550 per kilo noong Agosto 15 at ₱350 per kilo noong Hulyo 25, 2025.

Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., bumaba ang suplay dahil sa sunod-sunod na pag-ulan dulot ng mga bagyo at habagat. Humahanap naman aniya ang ahensya ng iba pang opsyon upang maparami ang suplay ng sili sa bansa.

Binigyang-diin ng DA ang kahalagahan ng greenhouse technology at off-season planting bilang solusyon sa paulit-ulit na problema sa presyo ng sili tuwing tag-ulan.

Tinitingnan din ng ahensya ang paglilipat ng taniman ng sili sa mga lugar na hindi gaanong umuulan, gaya ng Visayas at Mindanao, upang matugunan ang lumalaking demand ngayong “ber” months.

About The Author