dzme1530.ph

Presyo ng raw sugar, inaasahan ng SRA na mananatiling stable

Inaasahan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na mananatiling stable ang farm gate price ng raw sugar matapos magsimulang bumaba noong February 2022.

Ayon kay SRA Administrator Pablo Luis Azcona, simula noong Pebrero noong nakaraang taon ay bumaba na sa P60 kada kilo ang farmgate prices ng raw sugar.

Aniya, ang retail prices para sa refined sugar o puting asukal ay nananatiling stable sa P80 hanggang P110 per kilo sa mga supermarket.

Idinagdag ni Azcona na sa ngayon ay isinusulong nila na mapalago ang produksyon, dahil stable na ang farm gate prices, at dumami aniya ang nagtanim ng tubo sa iba’t ibang lugar sa bansa na isang magandang senyales.

Nakasaad sa Sugar Order No. 1 ng SRA na tinaya sa 1.85-M MT ang raw sugar production para sa crop year 2023-2024. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author