![]()
Aarangkada muli bukas ang dagdag presyo sa produktong petrolyo. Sa ikaanim na sunod na linggo, tataas ang presyo ng gasolina habang ikawalo na sa diesel at kerosene.
Sa magkakahiwalay na advisory, sinabi ng Seaoil Philippines Corporation at Shell Pilipinas Corporation na madaragdagan ang presyo ng kanilang gasolina ng 1.20 pesos kada litro habang ang diesel at kerosene ay tataas ng 60 centavos bawat litro.
Kaparehong dagdag presyo rin ang ipatutupad ng Cleanfuel at Petro Gazz maliban sa kerosene.
Epektibo ang price hike 6am bukas, February 17 sa lahat ng kumpanya maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng dagdag presyo 4:01 pm.
