![]()
Hindi agad-agad bababa ang presyo ng produktong petrolyo kahit isuspindi o bawasan ng Pangulo ang excise tax sa fuel products.
Yan ang sinabi ng oil firms na pinatotohanan naman ng Department of Energy sa hearing ng House Committee on Ways and Means.
17 panukalang batas at resolusyon na pawang fuel excise tax related ang dinidinig ng komite na pinamumunuan ni Rep. Miro Quimbo ng Marikina 2nd district.
Tinanong ni Quimbo ang mga kinatawan ng oil firms na dumalo kung ang retail prices ay agad bababa kapag inalis ang P6 hanggang P10 per liter excise tax.
“No, Your Honor,” yan ang tugon ni Tanya Samillano, kinatawan ng Independent Petroleum Companies Association.
Paliwanag nito, lahat ng stocks o inventories ng oil companies sa oras na dumaong na sa bansa ay agad nang nagbabayad ng excise taxes.
Ayon kay Samillano, tanging ang mga paparating pa lang na fuel products ang mako-cover ng reduced o suspended excise levies.
Kailangan umanong maubos muna ang mga lumang inventories ng lahat ng oil companies bago makita ang pagbaba sa presyo dahil sa inalis o kaya binawasang excise taxes.
