![]()
Walang dahilan upang mag-panic buying dahil walang magiging pagtaas sa presyo ng mga pangunahing produkto hanggang matapos ang buwan ng Abril.
Ito ang tiniyak ni Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque matapos makipagpulong sa mga manufacturers.
Bukod sa walang pagbabago sa presyo, wala ring inaasahang shortage sa suplay, ayon pa kay Roque.
Idinagdag ng kalihim na maglilibot ang DTI at patuloy na imomonitor ang mga palengke at supermarkets upang matiyak na available ang basic goods at nananatili sa rasonableng presyo.
Kabilang sa mga produktong walang galaw sa presyo ang sardinas, processed milk, tinapay, kape, locally-manufactured instant noodles, bottled water, laundry soap, kandila, asin, canned meat, condiments at toilet soap.
