dzme1530.ph

Presyo ng manok, posibleng bumaba matapos bawiin ng pamahalaan ang import ban

Loading

Posibleng bumaba ang presyo ng manok matapos bawiin ng pamahalaan ang import ban sa domestic and wild birds, pati na poultry meat products mula sa dalawang bansa.

Una nang nilagdaan ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang memorandum orders na nag-aalis sa temporary import ban sa poultry products mula sa Brazil at anim na states sa US.

Sinabi ni DA Spokesperson Asec. Arnel De Mesa na malaking tulong ito upang mabawasan ang supply pressures at bumaba ang retail prices ng manok.

Ito aniya ay dahil isa ang Brazil sa mga pangunahing pinagkukuhanan ng livestock at poultry products ng Pilipinas.

Idinagdag ng opisyal na posibleng maramdaman ng consumers ang epekto nito sa retail prices ngayong buwan ng Hulyo.

 

 

About The Author