Malaki na ang itinaas sa presyo ng Lechon sa La Loma, Quezon City, at inaasahang tataas pa ito habang papalapit ang Pasko.
Mula sa dating ₱7,500, umakyat na sa ₱10,000 ang lechon na tumitimbang ng anim hanggang pitong kilo; ang walo hanggang siyam na kilo naman ay ₱11,000 mula sa dating ₱8,500.
Ang 10 to 11 kilos naman na lechon ay pumalo na ang presyo sa ₱13,000 kumpara sa dating ₱10,000.
Nag-abiso rin ang mga vendor na asahan na ang pagbabago ng presyo hanggang sa pagtatapos ng buwan dahil depende anila ito sa dating ng mga baboy. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera