dzme1530.ph

Presyo ng langis, bumagsak matapos magtaas ng produksyon ang OPEC+

Loading

Bumagsak ang oil prices makaraang ianunsyo ng OPEC+ countries ang pagtaas ng produksyon.

Sa kabila ito ng nakababahalang oversupply at lumalaking pangamba na maaaring magpahina sa demand ang trade war ni US President Donald Trump.

Una nang inanunsyo ng Saudi Arabia, Russia at anim pang mga miyembro ng oil cartel ang output increase na 411,000 barrels per day para sa Hunyo, isang buwan matapos ang kaparehong hakbang na nagresulta na ng pagbagsak ng presyo ng langis.

Bumaba rin ang presyo ng krudo dahil sa pangamba ng global economic slowdown, bunsod ng ipinataw na mga taripa ng Trump administration.

About The Author