Aminado si Senador Sherwin Gatchalian na tataas ang presyo ng kuryente sa sandaling mag-import na rin ang bansa ng liquefied natural gas (LNG).
Ito ay dahil sa pagkaubos na ng suplay na nakukuha sa Malampaya Gas Field.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, inihayag ng Philippine National Oil Company na posibleng pagsapit ng 2027 ay hindi na economically viable o hindi na magagamit ang Malampaya.
Ang Malampaya ang nagsusuplay ng natural gas sa mga planta ng kuryente na isinusuplay sa mga bahay.
Kaya naman para matugunan ang pagkaunti ng suplay na nakukuha sa Malampaya, sinabi ni Gatchalian na kailangan munang mag-angkat ng bansa ng LNG.
Dahil anya magmumula sa ibang bansa ang LNG na gagamitin ay makakaapekto sa presyuhan nito ang bentahan sa internatrional market at foreign exchange rate.
Kung hindi naman aniya mag-aangkat ng LNG ay posibleng itigil na ng mga planta ang kanilang operasyon na magbubunga naman ng malawakang brownout sa bansa. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News