dzme1530.ph

Presyo ng kuryente sa spot market, inaasahang patuloy na bababa ngayong Mayo

Loading

Inaasahang magpapatuloy sa pagbaba ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ngayong Mayo, ayon sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP)

Sinabi ni Isidro Cacho Jr., pinuno ng Corporate Strategy and Communications ng IEMOP, na sapat ang power supply kaya posibleng bumaba pa ang presyo ng kuryente ngayong buwan.

Idinagdag ni Cacho na sa harap ng nalalapit na Midterm Elections ay magpapatuloy ang stable spot prices, at maging hanggang sa matapos ang halalan.

Noong Abril ay bumaba ang average WESM price system-wide ng 15.3% kumpara noong Marso, o sa ₱4.52 per kilowatt-hour dahil sa pagtaas ng supply.

About The Author