![]()
Aminado si Energy Secretary Sharon Garin na posibleng umabot pa sa 200 pesos ang bawat litro ng diesel.
Ipinaliwanag ni Garin na depende ito sa magiging development sa tensyon sa Middle East.
Nilinaw niya na walang kontrol ang Department of Energy o mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa presyo dahil dikta ito ng international community.
Sa kabilang dako ay umaasa siyang hindi ito mangyayari, subalit makikita aniya ang posibilidad na umabot sa naturang presyo ang diesel.
