dzme1530.ph

PRESYO NG ILANG PANGUNAHING PRODUKTO, TATAAS PAGSAPIT NG APRIL 16, AYON SA DTI

Loading

Asahan ang pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin matapos ang April 16.

 

Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Cristina Aldeguer-Roque, walang pagtaas ng presyo hanggang April 15.

 

Subalit batay anya sa pakikipag-usap nila sa ilang manufacturers, sinabing hindi na ito maiiwasan pagsapit ng April 16.

 

Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Pero nilinaw ng kalihim na hindi lahat ng pangunahing produkto ay magtataas ang presyo at may ibang manufacturer ang nangako na walang paggalaw sa kanilang presyo hanggang matapos ang buwan ng Abril.

About The Author