dzme1530.ph

PRESYO NG DIESEL, POSIBLENG SUMIPA SA 146 PESOS KADA LITRO SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Posibleng sumipa na sa halos 146 pesos ang kada litro ng diesel sa susunod na linggo bunsod pa rin ng tensyon sa Middle East.

 

Batay sa Mean of Platts Singapore trading sa nakalipas na apat na araw, tinaya ng oil industry na aabot sa 11 hanggang 12 pesos ang dagdag na presyo sa kada litro ng diesel.

 

Dahil dito, posibleng umabot sa 118 hanggang 146.30 pesos ang presyo ng bawat litro ng diesel.

 

Ngayong linggo, ang presyo ng diesel ay nasa 107 hanggang 134.30 pesos matapos ang 15 hanggang 18 pesos na price increase.

 

Sa kabilang dako, posibleng walang pagbabago o madagdagan ng tatlong piso ang bawat litro ng gasolina na aabot na sa 115.40 pesos ang presyo.

About The Author