dzme1530.ph

Presyo ng bigas sa Kadiwa stores, target ng DA na maibaba pa sa ₱39 per kilo

Nanawagan si Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel sa publiko na huwag abusuhin ang Rice for All program.

Bagaman walang limit ang pagbili ng ₱43 na kada kilo ng bigas sa Kadiwa stores, umapela si Tiu na bumili lamang ng sasapat sa pamilya, at huwag gawing negosyo.

Tiwala ang Kalihim na magtatagal ang programa dahil mayroong sapat na stock hanggang Pebrero sa susunod na taon, sa kabila ng mas maraming Kadiwa stores ang malapit nang buksan sa Metro Manila.

Umaasa rin si Tiu na maibababa pa hanggang sa ₱39 per kilo ang presyo ng bigas sa ilalim ng Rice for All Program kapag nagpatuloy ang paglakas ng halaga ng piso. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author