dzme1530.ph

Presyo ng bigas sa Kadiwa stores, asahang bababa sa pagtapyas ng taripa sa imported rice

Asahan ang mababang presyo ng bigas sa Kadiwa stores kasunod ng 15% na pagtapyas sa taripa ng imported rice.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang “import levy reduction, at ang direct sale ng imported rice sa mga Kadiwa outlets” ay talagang magpapababa ng malaki sa presyo nito.

Pinayapa din ni Romualdez ang mga magsasaka ng palay na huwag mabahala dahil patuloy pa ring ibibigay ng pamahalaan ang tulong pinansiyal na nagmumula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na itinakda ng R.A. 11203 o Rice Tariffication Law.

Sa official data ng gobyerno, nitong nagdaan buwan ng Mayo, nakakolekta na ang pamahalaan ng P16-B mula sa imported na bigas, kaya may sapat aniyang pondo ang RCEF.

Gayunman, patuloy umanong hinahanapan ng solusyon ng Kamara at executive department ang pagpapababa ng presyo bilang long-term solution.

About The Author