dzme1530.ph

Presyo ng bigas, inaasahang bababa na sa pagsisimula ng anihan sa major areas

Inaasahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bababa na ang presyo ng bigas sa bansa sa pagsisimula ng anihan ng palay sa major palay-producing areas.

Sa video message, inihayag ng Pangulo na nagsimula na ang pag-aani sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Isabela, at North Cotabato.

Naniniwala ito na kapag dumami na ang suplay at humaba ang panahon na may reserbang bigas, magiging stable na ang presyo nito sa merkado.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na tumatayo ring agriculture sec., na babantayan nila ang farm gate price ng palay na sanhi umano ng pagsipa ng presyo ng bigas, kaakibat ng importasyon.

Matatandaang paulit-ulit nang tiniyak ng Pangulo na sapat ang suplay ng bigas sa bansa, at nagpapatuloy din ito sa kanyang mithiing maibaba sa bente pesos ang kada kilo ng bigas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author