Naka-leave sa trabaho si Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, personal ang rason nang pagle-leave ni Soriano.
Sinabi rin ni Garafil na nag-leave si Soriano ilang araw bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Ibig sabihin, hindi si Soriano ang nagsilbing direktor ng SONA ng Pangulo noong Lunes.
Matatandaang si Soriano ang naging direktor ng unang SONA ni Marcos noong 2022. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News