dzme1530.ph

Presensya ng Chinese vessels, hindi nakaapekto sa Balikatan training

Hindi ikinabahala ng naval participants sa katatapos lamang na multilateral maritime exercises ang presensya ng Chinese vessels malapit sa training area sa Palawan, ayon kay Balikatan 2024 Executive Agent Col. Michael Logico.

Nasa apat na People’s Liberation Army Navy (PLAN) ng China ang naispatan sa iba’t ibang pagkakataon at tila binabantayan ang flotilla habang nagsasanay.

Binigyang diin ni Logico na nasa lugar sila para tapusin ang kanilang misyon sa pagsasagawa ng interoperability exercises.

Idinagdag ng opisyal na hindi naman naistorbo ng PLAN ships ang ang kanilang exercise.

Isinagawa ang first multilateral maritime exercise sa katubigan ng Palawan simula April 25 hanggang 29.

About The Author