Ipinag-utos ng Malacañang na itigil muna ang lahat ng paghahanda para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ito’y kasunod ng pagkadismaya ng pangulo matapos makatanggap ng ulat na ilang government personnel ang naglalagay ng SONA-related materials sa mga pampublikong lugar, sa kabila ng malalakas na pag-ulan at matinding pagbaha sa Metro Manila at iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, inatasan ng pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang kinauukulang ahensya na ilipat ang kanilang buong atensyon sa flood response at relief operations.
Binigyang-diin ni Bersamin na dapat unahin ang kaligtasan at kapakanan ng publiko, lalo na sa panahon ng krisis.
Bagama’t nasa Estados Unidos si Pangulong Marcos para sa tatlong araw na official visit, nananatili aniya ang direktiba ng pangulo sa lahat ng ahensya na tiyaking ligtas ang mga apektadong komunidad at handa sa masamang panahon.