dzme1530.ph

Premium rate ng PhilHealth, iminungkahing ibaba

Sa hearing ng House Committee on Health, sinabi ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo na mabuting i-recalibrate ang premium rate dahil sa masyado itong mataas.

Nais ni Quimbo na ibaba sa 4% mula sa kasalukuyang 4.5% ang premium rate, na sa tantiya ng mambabatas, 80-pesos kada buwan ang matitipid ng mga minimum wage earners sa National Capital Region.

Iminungkahe rin nito sa PhilHealth na magkaroon ng “actuarial studies” para ma-compute nang tama ang premium batay sa utilization rates at actual cost, at hindi yung iniimbento lamang.

Masyado umanong malaki ang kinikita ng PhilHealth at patunay nito ang P178-billion mula sa social health insurance program, idagdag pa ang income sa pinapasok na investments.

Idagdag pa umano ang 80-billion pesos na ibinibigay ng Kongreso sa PhilHealth taun-taon.

About The Author