dzme1530.ph

Preliminary investigation sa Degamo slay, inisnab ng mga abogado ng lahat ng suspek

Pinagsabihan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga abogado ng mga suspek sa Degamo slay, pati na ang abogado ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., na seryosohin nila ang proseso.

Ito ay makaraang mabigo ang mga naturang abogado na dumalo sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ).

Ang preliminary investigation ay para sa 10 counts ng murder at multiple counts ng frustrated murder at attempted murder complaints laban kay Teves kaugnay ng pag-atake sa compound ni negros Oriental Governor Degamo sa Pamplona noong March 4 na ikinasawi ng 10 katao, kabilang ang gobernador at ikinasugat ng iba pa.

Sinabi ni Remulla na ini-urong ang preliminary investigation sa June 27 makaraang wala ni isa sa mga abogado ng lahat ng suspek ang sumipot. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author