![]()
Agad na nagsagawa ng pre-emptive evacuation sa lalawigan ng Biliran bilang paghahanda sa banta ng bagyong Wilma.
Batay sa pinakahuling datos ng NDRRMC, 976 katao o 261 pamilya ang inilikas mula sa Barangay Naval, Biliran.
Naitala rin ang 25 seaports na kasalukuyang non-operational dahil sa bagyo, kung saan 23 ay mula sa Region 8 at 2 sa Negros Island Region.
Dahil sa sama ng panahon, 425 pasahero, 113 rolling cargoes, at 5 vessels ang stranded sa mga pantalan.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng NDRRMC sa mga regional DRRM councils at iba pang ahensya upang matiyak ang tuloy-tuloy na monitoring, disaster response, at agarang tulong sa mga apektadong lugar at residente sa rehiyon.
