PRC, nagbukas ng LEPT testing center sa Thailand

dzme1530.ph

PRC, nagbukas ng LEPT testing center sa Thailand

Loading

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na binuksan na ang bagong testing center para sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa PRC, layon ng pagtatatag ng bagong testing center na siguruhin ang “convenience” ng examinees sa thailand at maiwasan ang biglaang biyahe at gastos.

Sinimulan na ngayong araw, Hunyo a-23 hanggang Agosto a-24 ang registration para sa mga nais kumuha ng LEPT exam sa Setyembre.

Magsumite lamang ng application via email sa sple@prc.gov.ph para sa process at evaluation ng delegation team.

Para naman sa mga katanungan ukol sa licensure examination, maaaring mag-email sa licensure.office@prc.gov.ph o licensure.division@prc.gov.ph. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author