dzme1530.ph

PPP at pag-convert sa mga pasilidad, plano ng DOH para maisalba ang nakatenggang super health centers

Loading

Maaaring maisalba ang halos tatlong daang super health centers na nananatiling inoperational o hindi pa tapos.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, posibleng magawa ito sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP) o sa pag-convert ng mga pasilidad na nag-aalok ng ambulatory service.

Aniya, maaari rin nilang tulungang pondohan ang mga doktor sa pamamagitan ng kanilang National Health Workforce Agreement.

Sinabi ni Herbosa na kabilang din sa posibleng solusyon ay iwanan ang dating pasilidad at lumipat sa super health center, saka ito gawing primary care facility.

Sa pamamagitan aniya nito ay magagamit ang lumang pasilidad para sa ibang layunin.

Samantala, nakatakdang humarap ang Department of Health (DOH) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ngayong Biyernes para talakayin ang 297 incomplete super health centers.

About The Author