Inihahanda na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang kanilang ports at iba pang mga pasilidad sa buong bansa para sa tag-ulan na paiigtingin ng southwest monsoon o Habagat.
Sinabi ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago na inatasan niya ang kanilang 25 Port Management Offices upang matiyak na lahat ng pasilidad ay handang serbisyuhan ang mga pasahero, lalo na ang mga posibleng maapektuhan ang kanselasyon ng biyahe bunsod ng masamang panahon.
Aniya, kailangang siguruhin ng mga PMO na mayroon silang gumaganang generator sets sakaling magkaroon ng power outages, at kailangan ding magsagawa ng regular inspections para sa proper maintenance ng lahat ng kanilang equipment.
Idinagdag ni Santiago na dapat ay mayroon ding libreng charging stations at water refilling stations para sa lahat ng mga pasahero. —sa panulat ni Lea Soriano