dzme1530.ph

PPA, may paalala sa publiko kaugnay sa naglipanang logo ng ahensya na ginagamit ng mga scammer

Binalaan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang publiko hinggil sa mga scammer na ginagamit ang pangalan ng kanilang ahensiya.

Nabatid na ilang mga reklmo na ang natatanggap ng PPA kung saan bukod sa pangalan ay ginagamit rin ang logo nito para makapang-scam online.

Partikular sa pagdeliver at pagkolekta ng mga package sa pantalan.

Paalala ng PPA, wala silang anumang transaksyon pagdating sa mga delivery at package na diumano’y kailangan bayaran muna bago makuha sa mga pantalan na sakop ng nasabing ahensya.

Payo pa ng PPA, maging mapanuri at mag-ingat ang publiko sa mga transaksyon na gagawin via online at huwag maniwala sa mga mapagsamantalang scammer na ginagamit ang kanilang tanggapan. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author