dzme1530.ph

Power play sa mga kaso ng sexual harassment, dapat tugunan sa batas

Dapat tugunan ang isyu ng “power play” sa mga kaso ng sexual harassment sa trabaho o opisina.

Ito ang iginiit ni Sen. Robinhood Padilla sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Committee on public information and mass media na naglalayong magkaroon ng mahigpit na batas ukol dito.

Sinabi ni Padilla na mas matindi ang sexual harassment na ginagawa ng mga employer laban sa kanilang mga empleyado kumpara sa baligtad na sitwasyon.

Ang mga insidente anya ng sexual harassment na ginagawa ng mga employer ay “incomparable” kung saan mayroong power play.

Nangyayari rin anya ang sexual harassment sa kanilang industriya na ginagalawan bilang mga artista.

Una rito, ayon sa Government Procurement Policy Board, mula taong 2016 hanggang 2021, mahigit 420 kaso ng sexual harassment sa trabaho ang iniulat sa Philippine National Police.

Naghain si Padilla ng Senate Bill 2777 para tiyaking hindi lamang mas malakas ang ating mga batas kundi mas gender-responsive dahil parehong lalaki at babae ang biktima ng sexual assault.

About The Author