dzme1530.ph

Power Couple Dingdong Dantes at Marian Rivera, bagong Brand Ambassadors ng ‘NWOW’

Pormal nang ipinakilala sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, at ang anak nito na si Jose Sixto Dantes IV bilang mga bagong ambassadors ng Electric Vehicle Brand na “NWOW.”

Ginanap ang signing conference sa pagitan ng NWOW at Dantes Family sa Novotel sa Quezon City kahapon, Lunes, December 11, 2023.

Kilala sina Dingdong at Marian na Premier on-screen at Real-life partners sa Philippine show business, kaya naman ang DongYan bilang unang brand ambassadors ay itinuring na perfect model upang bigyan-diin ang values at long-term vision ng NWOW ukol sa kahalagahan ng isang pamilya, at pagbibigay rito ng cost-effective, environmental friendly at ligtas na mga paraan para sa paglalakbay nang magkakasama.

Ipinunto ng DongYan, kasama ang NWOW sa press conference, na dahil sa EMC-Golf ay may cost-efficient vehicle nang magagamit ang bawat pamilya upang makapag-travel, mapatatag ang relasyon ng bawa’t isa, at mag-enjoy nang sama-sama, mapa-short weekend vacation man o long road trip tuwing holidays.

Sa pakikipagtulungan sa Dantes Family, layunin ng NWOW na makilala ang brand na ito bilang warm, loving, at family focused electric vehicle provider.

About The Author