Sisikaping resolbahin ang posibleng pagtakbo sa magkaka-parehong posisyon ng mga kandidato mula sa Koalisyon o Alyansa ng mga Partido ng Administrasyong Marcos.
Sa seremonya sa pagsasanib-pwersa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Nationalist People’s Coalition (NPC), inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-uusapan ng steering committee ng mga kaukulang partido ang anumang isyu sa posibleng pagtu-tunggali ng kanilang mga miyembro sa eleksyon.
Sinabi ni Marcos na hangga’t maaari ay nais nilang maayos at mapagkasunduan kung sino-sino ang mga tatakbo sa bawat lugar.
Kung hindi ito maso-solusyonan, mapipilitan umanong magkaroon ng “free zones” o zona libre.
Mababatid na bukod sa NPC ay una nang nakipagsanib-pwersa ang PFP sa Lakas CMD, bilang bahagi ng pagpapalakas ng pwersa para sa 2025 midterm elections.