dzme1530.ph

POSIBLENG SABWATAN NG MALALAKING OIL COMPANIES, PINASISILIP

Loading

Pinasisilip ni Marikina City Rep. Miro Quimbo sa PCC o Philippine Competition Commission at Energy Regulatory Commission (ERC), ang posibleng collusion ng mga big oil companies.
 
Ayon kay Quimbo, ang weekly adjustment sa presyo ng petrolyo ay mistulan ng cartel-like behavior.
 
Sa Legislative Energy Action and Development (LEAD) Joint Committee hearing, sinabi ni Dep’t of Economy, Planning and Dev’t Sec. Arsenio Balisacan na gampanan din mga regulators ang kanilang kapangyarihan para sa patas na presyohan.
 
Para kay Quimbo, napapanahon ang mahigpit na enforcement ng PCC at ERC lalo na sa nangyayari ngayong oil na dulot ng Middle East tension.
 
Iginiit ng mambabatas na kahit na deregulated ang oil industry, may sapat namang mekanismo ang pamahalaan para sawatain ang anti-competitive practices.
 
Para kay Quimbo, napakalaki ng impact sa presyohan kung masa-sawata ang kutsabahan o collution sa hanay ng oil players.

About The Author