dzme1530.ph

Posibleng pagtanggal ng tax privilege sa mga OFW na makikiisa sa zero remittance, tinutulan

Loading

Hindi pabor si Senate Minority Leader Koko Pimentel na bawiin o kanselahin ang tax exemptions sa mga Overseas Filipino Workers na makikiisa sa panawagan na zero remittance bilang protesta sa pag-aresto at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinaliwanag ni Pimentel na ang perang kinita ng mga OFW sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay sarili nilang pera kaya dapat silang hayaang magdesisyon kung ano gusto nilang gawin dito.

Iginiit pa ng senador na ang OFWs ay itinuturing na modern day heroes.

Bayani aniya sila hindi dahil sa nagre-remit sila ng pera sa bansa kundi dahil sa ipinakikitang  magandang halimbawa sa kasipagan sa pagtatrabaho, pagsasakripisyo at pagmamahal sa pamilya gayundin  pagmamahal sa bansa.

Una nang ibinabala ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na maaring may hindi magandang ibunga ang planong zero remittance dahil posibleng kanselahin o isuspinde ng Kongreso ang mga tinatamasa na tax exemptions o’ tax privileges ng mga OFW.

About The Author