dzme1530.ph

Posibleng pagsalang sa court martial proceedings kay Cong. Alvarez, ipinauubaya sa AFP

Nasa kamay na ng Armed Forces of the Philippines kung isasalang sa court martial proceedings si Cong. Pantaleon Alvarez kaugnay sa panawagan nito sa militar at mga pulis na bawiin na ang kanilang suporta kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang inihayag ni Sen. Francis Tolentino dahil military reservist si Alvarez, na may ranggong colonel, sa ilalim ng Philippine Marine Corps ng Philippine Navy.

Kasabay nito, iginiit ni Tolentino na hindi niya suportado ang panawagan ni Alvarez.

Gayunman, sinabi ni Tolentino na hindi niya mahuhusgahan kung maituturing na ‘seditiuos’ ang pahayag ni Alvarez.

Tiwala naman ang senador na propesyunal ang buong Armed Forces of the Philippines at walang makakakwestiyon sa kanilang pagrespeto sa konstitusyon.

About The Author