dzme1530.ph

Posibleng paglilipat ng PhilHealth sa Office of the President, nakakatakot!

Nakakatakot ang posibleng paglilipat sa Office of the President ang pangangasiwa sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang inihayag ni Senador Risa Hontiveros kasabay ng pahayag na pinag-aaralan pa nila kung kakailanganin pa ng isang batas para mailipat sa Office of the President ang PhilHealth.

Sa kasalukuyan, nasa Department of Health ang mandato ng pamamahala sa PhilHealth.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) law, may klarong mandato ang PhilHealth at nakasaad sa batas na ang state insurer ay attached agency ng DOH.

Ipinunto pa ng senadora na ang mga bagay na nakasaad sa batas ay hindi maaaaring baguhin ng hindi dumaraan sa kongreso, kabilang na dito ang organizational structure ng isang ahensya.

Binigyang-diin din ng deputy minority leader na ang expertise ng PhilHealth, bilang health insurance arm ng gobyerno, ay wala naman sa OP kundi nasa mga public health authorities ng bansa.

Dahil dito, umaasa si Hontiveros na mananatili sa DOH ang PhilHealth at patuloy na lang na aayusin ang mga problema sa pangangasiwa nito at huwag nang i-expose sa political patronage. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author