dzme1530.ph

Posibleng pagbawi sa price ceiling sa bigas, tinalakay sa sectoral meeting sa Malakanyang

Tinalakay sa Malakanyang ang posibleng pagbawi sa mandated price ceiling sa bigas.

Ito ay sa sectoral meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..

Bukod sa Pangulo, present din sa meeting sina Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban, NEDA Sec. Arsenio Balisacan, Finance Sec. Benjamin Diokno, at Budget Sec. Amenah Pangandaman.

Sa ngayon ay hindi pa ibinahagi ng Palasyo kung mayroong napagdesisyunan sa meeting.

Matatandaang sa ilalim ng Executive Order no. 39 ng Pangulo, itinakda sa P41 per kilo ang mandated price ceiling sa regular milled-rice, at P45 per kilo naman para sa well-milled rice. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author