dzme1530.ph

Posibleng kalansay ng lost sabungeros, sinimulang sisirin ngayong araw

Loading

Sinimulan nang sisirin ngayong araw ang isang bahagi ng Taal Lake upang matunton ang mga posibleng labi o kalansay ng mga nawawalang sabungero, na umano’y inilibing sa bahagi ng lawa malapit sa Talisay, Batangas.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), itinakdang jump-off point ng operasyon ang isang gusali sa Talisay, na sinimulan kaninang alas-10 ng umaga.

Sanib-puwersa sa operasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) na siyang sisisid upang hanapin ang mga buto sa ilalim ng lawa, habang ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) naman ang magpapatupad ng seguridad sa paligid.

Gayunman, ayon sa DOJ, naka-depende pa rin ang tuloy-tuloy na operasyon sa lagay ng panahon at kondisyon ng lugar.

About The Author