Inamin ni Sen. Sherwin Gatchalian na nakaaalarma at hindi katanggap-tanggap ang paglalagay sa red alert status sa Luzon grid at yellow alert sa Visayas grid.
Iginiit ni Gatchalian na naging paulit-ulit ang panawagan nila sa Department of Energy na magpatupad ng kinakailangang contingency plans sakaling may bumigay na power plants o mayroong hindi makapag-operate ng maayos.
Kailangan din anyang nagkaroon ng mga malinaw na hakbangin ang generation companies at iba pang stakeholders sa energy sector para tugunan ang kakapusan ng suplay ng enerhiya.
Partikular anya ito sa panahong nararamdaman natin ang peak ng El Niño o tagtuyot.
Iginiit ni Gatchalian na mahalagang maging proactive ang DOE at vigilante sa pagtugon sa bawat sitwasyon.
Ito ay upang mabawasan ang negatibong epekto sa suplay at mapanatili ang stability sa power infrastructure ng bansa.