dzme1530.ph

POSIBLENG ECONOMIC FALLOUT BUNSOD NG GULO SA MIDDLE EAST, TINALAKAY NG HOUSE PANE

Loading

Nagpatawag ng briefing ang Kamara sa Department of Agriculture at line bureaus and attached agencies para alamin ang posibleng economic fallout sa tension sa Middle East.

 

Ang briefing ay pinangunahan ng House Committee on Agriculture and Food ni Quezon Cong. Mark Enverga sa utos ni Speaker Bojie Dy III at Majority Leader Sandro Marcos.

 

Focus ng briefing ang contingency plans sa suporta sa magsasaka, i-stabilize ang food supply chains, at paano i-manage ang posibleng pagtaas sa presyo ng agrikultural.

 

Ayon kay Enverga, kritikal ang sitwasyon ngayon sa food production prices, at livelihood ng milyong Pilipino dahil sa pressure sa fuel costs, logistics, at agricultural inputs.

 

Pinagtuunan pansin din ng mga kongresista ang potential impact sa global supply disruptions sa fertilizer availability at prices nito lalo na ngayong target ang Strait of Hormuz.

 

Inamin naman ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro, ang labis na epekto sa presyo ng langis at fertilizer ng geopolitical tension sa Iran, Israel at US.

About The Author