Inanunsyo ng Department of Labor and Employment na magsisimula sa kalagitnaan ng Mayo ang konsultasyon para sa posibleng dagdag-sweldo para sa minimum wage earners sa Metro Manila.
Sinabi ni DOLE-National Capital Region (NCR) Director Sarah Buena Mirasol, na naghahanda na sila para sa diskusyon sa pagitan ng mga grupo ng mga manggagawa at employers hinggil sa potensyal na umento sa sahod para sa private sector workers.
Ayon kay Mirasol, pagkatapos ng consultations ay magkakaroon naman ng public hearing sa Hunyo.
Idinagdag ng opisyal na kapag naging maayos ang deliberasyon at nagkaroon ng desisyon, posible aniya na mailabas ang bagong wage order sa Hulyo.
Ang huling dadag sahod sa NCR ay naging epektibo noong July 17, 2024, na nagtakda sa kasalukuyang minimum wage na ₱645.