Sa sesyon ngayong hapon, magkasabay na dumating sa loob ng plenary sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Cong. Gonzales, habang naunang pumasok sa plenaryo si Cong. Gloria Macapagal Arroyo.
Bago ang panunumpa sa pwesto, nilapitan muna nina Romualdez at Gonzales si GMA at magkasunod na nagmano sa dating pangulo ng bansa. Larawan sa mukha ng tatlo ang saya habang nagpapalakpakan ang iba pang kongresistang nasa loob din ng plenary at nasaksihan ang pangyayari.
Sa panunumpa ni Gonzales umakyat sa rostrum ang pamilya nito at maging si GMA, senyales na walang tensyong namamagitan sa mga ito. Matapos ang panunumpa nagkaroon ng pulong ang LAKAS-CMD at PDP-LABAN congressmen at lumagda sa isang alyansa.
Nito lamang May 17 sa sesyon sa Kongreso inalis sa pagiging SDS si GMA at ipinalit sa pwesto ang kapwa rin kabalen na si Gonzales. Ayon sa kampo ni Romualez nag-plano umano ng coup si GMA laban sa speaker, bagay na mariin nitong itinangi. –Panulat ni Ed Sarto