dzme1530.ph

Pork retailers, aminadong hirap tumalima sa maximum SRP

Loading

Aminado ang pork retailers sa Metro Manila na nahihirapan silang sumunod sa maximum suggested retail price (MSRP) na itinakda ng Department of Agriculture.

Ito ay dahil marami pa rin ang nagbebenta ng mas mataas sa itinakdang presyo, tatlong linggo na ang nakalipas mula nang ipatupad ang maximum SRP.

Sinimulan noong March 10 ang implementasyon ng MSRP na ₱380 sa kada kilo ng liempo habang ₱350 sa kasim at pigue, sa mga palengke sa buong National Capital Region.

₱300 per kilo naman ang benta ng traders sa mga retailer ng karneng baboy, maliban sa supermarkets at hypermarkets.

Dumadaing ang mga retailer dahil hirap umano silang maabot ang MSRP bunsod ng hindi nila maaring ibenta ang ibang pork cuts, kaya naman binabawi nila ang kanilang lugi sa kasim at liempo.

About The Author