dzme1530.ph

Pork imports, planong bawasan ng 60,000MT

Target ng Department of Agriculture (DA) na tapyasan ang pork imports ng bansa ng 60,000 metric tons ngayong taon sa pamamagitan ng pagpapalakas ng lokal na produksyon.

Nais ng DA na i-substitute ang 10% ng imported pork o 60,000 metric tons ng domestic output hanggang sa pagtatapos ng taon.

Plano ng ahensya na abutin ang target sa pamamagitan  ng kanilang P2.1-B modified repopulation program o kilala bilang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) program.

Tututukan ngayon  sa repopulation program ng DA ang sow-weaner operations kung saan magtatayo  ng multiplier at production farms na mayroong artificial insemination.

Sa ilalim ng revised guidelines, tatlong packages ang alok ng ahensya sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng pamahalaan.

About The Author