dzme1530.ph

Porac, Pampanga Mayor, dinisqualify ng Comelec division

Loading

Dinisqualify ng Comelec Second Division si reelectionist Porac, Pampanga Mayor Jaime “Jing” Capil sa nagdaang May midterm elections.

Bunsod ito ng desisyon ng Ombudsman na nag-dismis sa kanya sa serbisyo dahil sa umano’y pagkakaugnay nito sa illegal POGO activities.

Sa walong pahinang desisyon, kinatigan ng dibisyon ng poll body ang petisyon na inihain ni Mayoral candidate Michael Legaspi Tapang, upang ma-disqualify si Capil sa Halalan 2025.

Kasunod ito ng ruling ng anti-graft court noong Abril, kung saan guilty ang re-electionist mayor ng gross neglect of duty at sinibak ito mula sa public service.

Nanalo si Capil para sa kanyang ikatlong sunod na termino bilang alkalde ng Porac, sa kabila ng kinakaharap nitong kontrobersiya hinggil sa pagkakaugnay umano nito sa Lucky South 99.

About The Author