dzme1530.ph

Pope Leo, nagtatalaga ng bagong Arsobispo ng Cebu

Loading

Itinalaga ni Pope Leo XIV si Tagbilaran Bishop Alberto Uy bilang bagong Arsobispo ng Cebu, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Pinalitan ni Bishop Uy si Archbishop Jose Palma na pormal nang nagretiro matapos ang kanyang ika-75 kaarawan noong Marso 19.

Alinsunod ito sa patakaran ng Simbahang Katolika kung saan obligadong magsumite ng resignation ang mga obispo pagdating ng 75 taong gulang.

Ang 58-anyos na si Bishop Uy ang magiging ikalimang arsobispo ng Cebu, na may higit 170 parokya sa buong lalawigan.

About The Author