dzme1530.ph

Pope Francis, pinuri ang pananampalataya ng mga Pilipino at kanilang kontribusyon sa Simbahang Katolika

Pinuri ni Pope Francis ang pananampalataya ng mga Pilipino at ang kanilang kontribusyon sa Simbahang Katolika.

Sa courtesy call kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang, inihayag ni Vatican Secretary for Relations and States and International Organizations Archbishop Paul Gallagher na pinapupurihan ng Santo Papa ang kontribusyon ng mga Pinoy sa simbahan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, dahil bitbit nila ang kanilang pananampalataya saanman sila mapunta.

Kasabay nito’y ipinaabot din ng Holy See Secretary ang pagbati ni Pope Francis para kay Pangulong Marcos at sa Simbahang Katolika ng bansa.

Umaasa rin si Gallagher na magpapatuloy at mapasisigla pa ang relasyon sa pagitan ng Vatican at Pilipinas.

Kinilala naman ng Pangulo ang 73-taong diplomatic ties ng dalawang estado.

About The Author