dzme1530.ph

Pope Francis, pinasalamatan ang mga deboto sa patuloy na panalangin para sa kapayapaan

Loading

Pinasalamatan ni Pope Francis ang mga deboto sa kanilang pakikisimpatya sa panahon ng kanyang “frailty” o kahinaan.

Kasabay ng paghimok na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa kapayapaan sa buong mundo, gaya ng kanilang panalangin para sa kanyang kagalingan at kalakasan.

Inilabas ng Holy See Press Office ang Angelus address ng Santo Papa habang patuloy itong nagpapagaling sa Gemelli Hospital sa Roma.

Nagpasalamat din si Pope Francis sa mga doktor at health professionals sa atensyong ibinibigay at pag-aalaga sa kanya.

Tiniyak ng Santo Papa sa mga deboto na ipagdarasal din niya ang mga ito, at higit sa lahat ang kapayapaan.

About The Author