Umapela si Pope Francis sa naglalabanang paksyon sa Sudan na tapusin na ang 10-buwan na sagupaan na nagresulta sa paglikas ng milyon-milyong indibidwal at nagbabadyang taggutom.
Sa kanyang Angelus message, nanawagan din ang Santo Papa ng panalangin upang masumpungan, sa lalong madaling panahon, ang kapayapaan sa Sudan.
Ilang diplomatic efforts na ang nabigo upang mawakasan ang civil war sa Sudan sa pagitan ng Armed Forces ng bansa at paramilitary rapid support forces.
Sa traditional Sunday Address, binanggit din ni Pope Francis ang kaguluhan sa Mozambique, Ukraine, Israel at Palestinian territories.