Pinatitiyak ni Senator Christopher “Bong” Go sa PhilHealth ang epektibong paggamit ng public funds matapos na aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng insurance premiums sa mga kwalipikadong mahihirap na benepisyaryo.
Sa datos, aabot sa P25.1-B ang inaprubahan at nai-release na insurance premiums para sa mahigit 8-M qualified at enrolled Filipino indigents.
Binigyang-diin ni Go na malaking bagay na sasagutin ng PhilHealth ang bayarin sa medical services ng mahihirap sa ilalim ng Universal Health Care Law.
Idinagdag pa ng senador na ang pag-apruba sa budget ng PhilHealth ay nagpapakita ng pagtitiyak sa tuluy-tuloy na operasyon at epektibong pagpapatupad ng healthcare programs.
Tiniyak ni Go na bilang Chairman ng Committee on Health sa Senado ay titiyakin niyang ang paglalaan ng sapat na pondo at mahigpit na magbabantay sa paggugol ng pondo ng PhilHealth. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News