Kinatigan ni Sen. Erwin Tulfo ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilipat ang ₱36B flood control fund ng Department of Public Works and Highways patungo sa Department of Social Welfare andDevelopment.
Ayon kay Tulfo, mas mainam na mapunta ang pondo sa mga mahihirap kaysa sa bulsa ng mga opisyal, kontraktor at politiko.
Ipinaliwanag nito na kung sa DSWD mapupunta, diretso sa tao ang tulong.
Ang pondo ay ilalaan sa mga programa tulad ng Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS), na tumutulong sa gastusin sa gamot, ospital, palibing, at pamasahe, gayundin sa Sustainable Livelihood Program (SLP) na nagbibigay ng ₱15,000 pangkabuhayan package sa mga komunidad.
Giit ni Tulfo, kung mas maraming walang trabaho ang matutulungan ng SLP, mas malaki ang magiging ambag nito sa ekonomiya sa pamamagitan ng maliliit na negosyo.