dzme1530.ph

Pondo para sa ayuda program ng DSWD, lumobo sa ₱63.89B sa bicam panel

Loading

Nagkasundo ang bicameral conference committee sa panukalang 2026 national budget na dagdagan ang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Inaprubahan sa bicam meeting na itaas sa P63.89 billion ang pondo para sa AICS sa susunod na taon, na dinagdagan ng P43 billion mula sa P27 billion sa National Expenditure Program.

Sa deliberasyon, sinabi ni House Committee on Appropriations Chairperson Mikka Suansing na nagmula kay DSWD Secretary Rex Gatchalian ang request na dagdagan ang pondo para sa AICS.

Katunayan, P70 billion pa ang hiling ng kalihim upang madagdagan ng pitong milyon ang mga benepisyaryo.

Aminado naman si Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian na marami ang kailangang makatanggap ng ayuda mula sa gobyerno tulad ng apat na milyong naapektuhan ng lindol at mga bagyong Uwan, Tino, at Ramil.

 

About The Author